Kapag nalanghap ang mga himaymay ng asbestos, ang isang tao ay maaring magkaroon ng kanser sa pulmon o isang tumor sa bamban ng pulmon, matapos ang ilang dekada. |
Hindi rin lahat ng tao na nakalantad sa asbestos ay unti-unting magkaroon ng sakit.
Upang maging dulot ng sakit, kinakailangang lumanghap ng tiyak na dami ng asbestos.
Sa katunayan, karamihan ng taong lumalanghap ng asbestos ay hindi magtataglay ng sakit. Kahit sa mga manggagawa na lantad sa malaking dami ng asbestos sa mahabang panahon, iilan lamang sa kanila ang magkakaroon ng sakit na nauugnay sa asbestos. Huwag masyadong mag-alalala.
|
Ang mga eksamen ng x-ray ay epektibo sa pagkilala ng mga sakit na nauugnay sa asbestos madaming dekada matapos ang pagkalantad dito. |
Matagal bago magkaroon ng sakit na nauugnay sa asbestos.
Karamihan ng tao ay walang sintomas sa unang sampung taon matapos malantad sa asbestos.
Makararanas ng pag-ubo at pamamaga ng mga lalamunan sa panahon na nakalantad sa mga himaymay ng asbestos.
Ngunit, matapos ang pagkalantad sa asbestosm ang nararanasang pag-ubo ay maaring dulot ng ibang dahilan tulad ng alikabok.・Iwasan ang mga materyales na may asbestos
Tingnan sa Pahina "Ano ang dapat gawin kung nakahanap or nakakita ng Asbestos?" |
・Huwag mnigarilyo o lumanghap ng usok ng tabako. Ang tabako ay nagdudulot ng libu-libong problema sa kalusugan. |
Nakakalat ang mga materyales na may asbestos sa ating buhay.
Maaring mayroong asbestos sa inyong paaralan o di kaya ang inyong pamilya ay nagtatrabaho sa isang gawaing nauugnay sa asbestos.
Maaring ikaw o ang isang miyembro ng iyong pamily ay lantad sa asbestos.
Maari din na ikaw ay may pangamba na unti-unti kang magkakaroon ng sakit na nauugnay sa asbestos.
Ang pakiramdam na ito ay normal at natural.Kapag ikaw ay lantad sa mga himaymay ng asbestos sa maikling panahon, ang panganib na ikaw ay matablan ng sakit ay maliit lamang. Maari mong ipagpatuloy na magkaroon ng normal na buhay tulad ng dati. Ngunit mahalaga na iwasan ang anumang pangkaragdagan eksposyur sa asbestos. Kung ikaw ay nag-aalala sa mga bagay na may kinalaman sa asbestos, bakit hindi makipag-usap sa ibang tao? Maghanap ng ibang taong maaring makibahagi sa iyong mga problema. |