Iba-iba ang uri ng asbestos. May asbestos na inihahalo sa mga materyales sa pagtayo ng mga gusali. May asbestos na iwiniwisik lamang.
Ang asbestos na iwiniwisik ay higit na mapanganib. Para itong bulak (tingnan ang larawan).
Kung ikaw ay nakakita ng isang bagay na parang bulak sa isang lumang gusali or lugar na kung saan may konstruksiyon, iwasan ito.Kapag iwiniwisik ang asbestos, malaking halaga ng mga himaymay ng asbestos ay napapakawalan sa hangin. Huwag magtapon ng bola o kung ano pa man pasalungsong sa iwinisik na asbestos. |
Huwag hawakan ang alikabok sa sahig.
Ang asbestos na inihalo sa mga materyales para sa konstruksiyon ay mahirap kilalanin.
Kaya, huwag laruin ang mga materyales para sa konstruksiyon dahil maaring ito ay may lamang asbestos.