Huwag hawakan! Ipaalam sa isang nakatatanda upang maniguro sila na hindi rin ito mahahawakan o malalanghap ng iba. |
Ang mga materyales na asbestos sa mga gusali ay hindi mapanganib kung ito ay nasa maayos na kundisyon at hindi nagagalaw.
Ngunit, nakakawala ang mga himaymay ng asbestos kung may konstruksiyon at renobasyon ng mga gusali.
・Subukang huwag makalanghap ng alikabok.
Takpan ang bibig ng isang basang tuwalya.
Iminumungkahing maging handa at magkaroon ng proteksiyon sa mukha na angkop bilang panangga sa asbestos.・
Kasing peligro ang asbestos tuwing may konstruksiyon at tuwing may lindol at pagkatapos nito.
Matapos ang isang lindol, bawat sirang gusali ay maaring buwagin bago ito ayusing muli.
Ang pagbuwag at pagtanggal ng mga material galing sa sirang gusali ay nagpapakawala ng malaking halaga ng himaymay ng asbestos.
Iwasan ang alikabok na dulot ng demolisyon, pagsira or pag-papa-ayos ng isang gusali. |