Narinig mo na ba ang tungkol sa asbestos? Ang asbestos ay may mga maliliit at hibla-hiblang natural at mineral na himaymay. Ito ay madalas mas manipis sa buhok ng tao.
Dahil ang asbestos ay isang mabisang insulator at pampahinto o pampabagal sa pagkalat ng apoy, madalas itong gamitin bilang materyal sa pagtayo ng mga gusali.
Kung nawawasak o nadudurog ang mga gusali at mga ibang materyales, ang mga himaymay ng asbestos ay nakakawala sa hangin.
Kapag nalanghap ang mga himaymay ng asbestos, maaring magdulot ng mga sakit o karamdaman makalipas ang mga taon.
Sa Japan, halos karamihan ng mga asbestos na ginamit noong nakaraan ay nandito pa rin sa araw na ito.
Kaya tayo nang matuto tungkol sa asbestos upang maiwasan nating makalanghap nito.
|
|